Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sinusunod nito ang panuntunan sa tamang distansiya sa pagpapatayo ng mga lotto outlet.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte na ipahinto ang operasyon ng mga lotto outlet na malapit sa mga paaralan.

Inilahad ng PCSO na sumusunod ito sa nararapat na distansiya ng lotto outlet mula sa paaralan, alinsunod sa Board Resolution No. 0097, na nagsasabing 100 metro ang tamang distansiya ng lotto outlet mula sa mga eskuwelahan.

Dagdag pa ng PCSO, katuwang ito ng DepEd sa pagtuturo sa mga bata ng disiplina, integridad at katapatan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter