Ipinaliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang naitalang deficit o pagkukulang sa tinatawag na balance of payment (BOP) nitong Oktubre.

Ang BOP ay tawag sa record ng mga naganap na economic transactions sa pagitan ng mga mamamayan ng bansa at sa mundo sa isang takdang panahon.

Ito ang kabuuang halaga ng ibinayad papasok at palabas mula sa isang bansa, halimbawa sa loob ng isang buwan.

Magugunitang matapos ang pitong buwang surplus, nakapagtala ang BOP ng $183 million deficit noong nakaraang buwan mula sa tinamasang surplus na $117 million hanggang Setyembre.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Sinabi ni BSP Deputy Governor for Monetary Stability Sector Diwa Guinigundo, ang deficit ay sanhi ng pagbabayad sa foreign debt o utang sa labas ng public sector.

Ayon pa kay Guinigundo, nitong Oktubre ay tumaas ang demand sa foreign exchange para bayaran ang requirements sa pag-angkat o importasyon at private foreign debt payments sa harap ng magalaw na merkado.

Pero inihayag ng BSP na kasalukuyang nirerebyu ang BOP sa nakaraang buwan para sa posibleng rebisyon sa harap ng mga bagong developments partikular sa huminang exports pero lumakas na OFW remittance, matatag na BPO revenue at magandang foreign investments. (Beth Camia)