TALUGTOG, Nueva Ecija - Sa loob ng sementeryo sa Barangay Roxas sa bayang ito pinatay ng mga hindi nakilalang salarin ang isang 21-anyos na matadero, na natagpuang basag ang bungo nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat sa tanggapan ni Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang nasawi na si Raymundo Ramos Acosta, binata, ng Bgy. Sta. Catalina, habang pinaghahanap na ng pulisya ang sinasabing suspek na si Zaldy Granil, na umano’y huling kasama ni Acosta.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Efren Cara, natuklasan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ni Chief Insp. Marissa Ariola, na basag ang bungo ni Acosta na pinaniniwalaang binagsakan ng hollow block. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match