TARLAC CITY – Napigilan ng awtoridad ang umano’y bentahan ng shabu sa ilang lugar ng Tarlac City matapos na malambat sa buy-bust operation ang tatlong hinihinalang tulak sa Barangay Maliwalo, tanghali nitong Biyernes.

Arestado sina Arlene Diaz, 39, may asawa; Crisostomo Valencia, 22, ng Bgy. Maliwalo; at Marivic Santos, 51, may asawa, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Narekober sa kanilang pag-iingat ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang may mga timbang na 3.475 gramo, 1.074, 1.059, 0.648, 1.144, 3.150, 1.038, 1.976; 0.990, at 1.065. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog