Patay ang isang lalaki habang kritikal naman ang kanyang kinakasama matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival si Crisanto Rubio, 46, habang kritikal naman si Annie Bosis, 44, dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, dakong 8:17 ng gabi nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng mga biktima na matatagpuan sa 23 Violet Street, corner Camachile, Purok 5, Barangay Malanday, Marikina City.

Nag-uusap umano ang mag-asawa nang bigla na lang pasukin at pagbabarilin ng mga suspek bago tuluyang tumakas.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Mary Ann Santiago)