TALAVERA, Nueva Ecija - Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 34-anyos na welder sa ginagawang gusali ng supermarket sa bayang ito makaraang makuryente habang nagta-tap ng kuryente sa kisame sa Barangay La Torre, ayon sa naantalang report sa Talavera Police Station.

Kinilala ng Talavera Police ang nasawing si Ruel Francial, may asawa, ng Palmera Homes, City of San Jose Del Monte, Bulacan, na kabilang sa mga nakontrata ng Central Air Company.

Sa imbestigasyon ni PO1 Edd John F. Miranda, nagkaroon ng brownout sa pagitan ng 8:00 ng umaga at 8:45 ng umaga at nang magbalik ang kuryente ay umakyat sa kisame si Francial para mag-tap ng kuryente hanggang nakuryente siya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile