Nobyembre 19, 1975 nang ipalabas sa mga sinehan ang multi-award-winning film na “One Flew Over the Cuckoo’s Nest”.

Tampok sa American comedy-drama, isang adaptation ng 1962 novel na kapareho rin ng pamagat na isinulat ni Ken Kesey, ang isang grupo ng mga pasyente sa isang mental institution; pinagbidahan ni Jack Nicholson, at co-produced ng aktor na si Michael Douglas, at idinirehe ni Milos Forman.

Ito ay ginastusan ng US$3 million at kumita ng US$109 million sa box office.

Sa 48th Academy Awards noong 1976, napanalunan ng pelikula ang lahats ng limang kategorya: Best Actor (Nicholson), Best Actress (Louise Fletcher, gumanap bilang Nurse Ratched), Best Director, Best Screenplay (Adapted), at Best Picture — ito ang unang pagkakataon sa loob ng apat na dekada.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?