Nobyembre 17, 1896 nang buksan sa mga motorista ang tanyag at makasaysayang Suez Canal, ang artipisyal na daanang tubig na nag-uugnay sa Mediterranean Sea at sa Red Sea, matapos ang 10 taong konstruksiyon.
Orihinal na nasa 164 na kilometro (102 milya) ang haba, may sukat ngayon ang Suez Canal na 130 kilometro (120 milya), simula sa Port Said hanggang sa a Port Tewfik sa Suez, isang seaport city, na parehong matatagpuan sa hilagang-silangan ng Egypt. May lalim ito na 25 talampakan, 27 talampakan ang lawak sa pinakaibaba, at 200-300 talampakan ang lawak sa ibabaw nang ito ay buksan.
Pinaiikli ng canal ang biyahe sa pagitan ng North Atlantic at hilagang bahagi ng Indian Oceans sa pag-iwas sa Timog Atlantic at hilagang bahagi ng Indian Oceans, na may distansiyang halos 7,000 kilometro (4,300 milya).
Sa kasalukuyan, nasa 50 barko ang karaniwang dumadaan sa Suez araw-araw, ibinibiyahe ang mahigit 300 milyon na kalakal kada taon.