VICTORIA, Tarlac - Aabot sa mahigit P95,000 halaga ng water pump engine o bombang patubig na pag-aari ng apat na magsasaka ang tinangay ng mga hindi nakilalang kawatan sa Barangay Bangar sa bayang ito, Martes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sony Villacentino, ang mga biniktima ay sina Merly Sahagun, 50; Gerry Valdoz, 38; Joel Dagman, 31; at Cecilio Quijano, pawang taga-Bgy. Bangar. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito