PATULOY na tumataas ang temperatura sa mundo, ayon sa UN weather agency noong lunes, habang naiulat ang mabagal na paglabas ng global warming gas sa loob ng tatlong taon.

“Another year. Another record. The high temperatures we saw in 2015 are set to be beaten in 2016,” ani Petteri Taalas, pinuno ng World Meteorological Organization (WMO).

Makikita sa preliminary data ng WMO noong Oktubre na tumaas ng 1.2 degrees Celsius (2.2 degrees Fahrenheit) ang temperatura ng mundo dulot ng El Niño.

Ito ay malapit sa limitasyon na itinakda ng global climate agreement na pinagtibay sa Paris noong nakaraang taon.

Ka-Faith Talks

#KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba?

Nananawagan ito na malimitahan ang pagtaas ng temperatura sa 2 degrees Celsius o kahit 1.5 degrees Celsius.

Sinabi ng WMO na ang 16 sa 17 na pinakamaiinit na taon ay naramdaman ngayong siglo. Hindi rito kasama ang taong 1998 na tinaguriang din bilang El Niño year.

Ayon pa kay Taalas, tumaas ang temperatura sa ilang bahagi ng Arctic Russia na naging 6-7 degrees Celsius above average. “We are used to measuring temperature records in fractions of a degree, and so this is different,” aniya.

Inihayag ng mga environment group at climate scientist na patunay lamang ito na kinakailangan na mapabilis ang pagpapababa ng pagpapalabas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gas na nagdudulot ng pag-init sa planeta.

Nitong Lunes, positibo naman ang isang report na nagpapakita ng pagbagal ng CO2 emission sa mundo sa loob ng tatlong taon. Gayunman, ipinaalala ng mga manunulat ng pag-aaral na hindi pa tiyak kung magiging permanente ang pagbagal.

“It is far too early to proclaim we have reached a peak,” saad ni Glen Peters, senior researcher ng Center for International Climate and Environmental Research sa Oslo.

Base sa pag-aaral, inilathala sa journal Earth System Science Data, maaaring umabot sa 0.2 porsiyento ang CO2 emission ng mundo mula fossil fuels ngayong taon.

“This could be the turning point we have hoped for,” ani David Ray, propesor sa University of Edinburgh, na hindi kabilang sa pag-aaral.

“To tackle climate change those bonds must be broken and here we have the first signs that they are at least starting to loosen.”