pangulong-duterte-at-robin-copy

SUNUD-SUNOD ang magagandang balita na dumarating kay Robin Padilla dahil pagkatapos ng safe and successful delivery ni Mariel Rodriguez sa baby nilang si Maria Isabella noong Lunes, he was granted absolute pardon by President Rody Duterte.

Akala raw ni Robin, may meeting lang siya kay Pres. Duterte nang magpunta sa Malacaῆang Palace. Hindi niya akalaing sosorpresahin siya at bibigyan ng absolute pardon.

Ngayon, hawak na ni Robin ang papers na magpapatunay na excused na siya sa kaso niyang illegal possession of firearms.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ni-restore na rin ang civil rights ni Robin at ibig sabihin, makakaboto na siya sa susunod na election.

Ang pinakamagandang balita, puwede na siyang mag-apply ng US visa at kapag nabigyan, makakasunod na siya sa Amerika para makita sina Mariel at ang kanilang baby. Para rin sabay-sabay na silang uuwi ng Pilipinas. (Nitz Miralles)