ILAGAN CITY, Isabela - Nasawi sa sunog ang isang ama at tatlong taong gulang niyang anak na babae makaraang masunog ang tinutuluyan nilang bahay sa Barangay Tagaran, Cauayan City, nitong Martes ng gabi.

Sa panayam ng lokal na istasyon ng radyo sa Isabela, sinabi ni Fire Chief Insp. Joan Vallejo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Cauayan City na dakong 8:50 ng gabi nitong Martes nang magresponde sila sa tawag tungkol sa sunog sa lugar.

Hindi na nagawang makalabas ng bahay ni Richard Gonzales, 43; at ng anak niyang si Joan, tatlong taong gulang, na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Wala ang iba pang miyembro ng pamilya nang masunog ang bahay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa report, inaalam ng BFP kung pagsabog ng LPG tank ang sanhi ng sunog.

Sinabi ni Vallejo na natagpuan nila ang isang tangke ng LPG na bukas at nangangamoy pa.