Sa kabila na halos nadoble na ang kanilang bonus ngayong taon kumpara sa mga nakalipas, muling iginiit ng isang grupo ng mga guro kahapon ang kanilang panawagang taas-suweldo at sinabing hindi sapat ang bonus lamang.

Nanawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC), samahan ng 30,000 guro, sa gobyerno, partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte, na aksyunan ang panukalang P10,000 salary increase na isinulong ni Senator Alan Cayetano sa Senado.

“Teachers need economic boost every day to perform their duties for the children and the country better,” sabi ni TDC National Chairperson Benjo Basas. “While a one-time bonus is appreciated, salary augmentation for teachers would solve many problems of education sector,” dagdag pa niya.

Ipinaalala rin ng TDC sa Pangulo ang pangako nito sa kampanya. Noong Disyembre 2015, nangako ang tambalang Duterte-Cayetano na aaksyunan ang nasabing panukala kapag sila ang nahalal. (Merlina Hernando-Malipot)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists