robert-de-niro-reuters-copy

Isang bayan sa timog Italy, kung saan nanggaling ang mga ninuno ni Robert De Niro, ang nag-alok ng asylum sa US film star matapos siyang magkomento na babalik siya roon kapag nahalal na pangulo si Donald Trump.

“If after the disappointment of Trump, he wants to take refuge here, we are ready to welcome him,” sabi ni Antonio Cerio, ang mayor ng Ferrazzano, ang maliit na bayan kung saan nanggaling ang great-grandparents ni De Niro bago makipagsapalaran sa Amerika noong 1890.

Sinabi ng bituin ng “Taxi Driver,” “Raging Bull” at “Meet the Fockers” sa Jimmy Kimmel talk-show sa ABC channel noong Miyerkules, na ang Italian side ng kanyang pamilya ay nagmula sa Ferrazzano at siya ay Italian citizen.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“I’m going to probably have to move there,” matapos manalo sa halalan si Trump, nakangiting dagdag niya.

“Naturally it would be an honour and give us great pleasure,” sabi ni Cerio, na natutuwa sa publicity para sa bayan na may 3,000 residente.

Hindi nagpigil si De Niro sa mga batikos niya kay Trump, na inilarawan niyang “a punk”, “a pig” at “an idiot”.

“I’d like to punch him in he face,” aniya bago ang halalan.

Sinabi ng Oscar-winning New Yorker sa ABC; “I can’t (punch Trump) now, he’s the president. And I have to respect that position,” dagdag niya. (AFP)