CABANATUAN CITY - Hindi na nakakanta sa videoke ang isang 32-anyos na lalaking nasa drug watchlist matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa aktong magsisimula siyang kumanta sa Barangay Caalibangbangan sa lungsod na ito, Sabado ng hapon.

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang biktimang si Benedict Puyat y Padrid, ng AGL Heights Subdivision, na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril mula sa lalaking sakay sa motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Elsinore C. Go, dakong 5:30 ng hapon at nakikikanta si Puyat sa videoke machine sa bakuran ni Ryan Garcia Santiago sa subdibisyon nang lapitan siya ng suspek at pagbabarilin. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’