Hinihiling ng House Committee on Transportation sa mga ahensya ng transportasyon at airlines na tiyaking maging maginhawa, komportable at ligtas ang mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Rep. Cesar V. Sarmiento (Lone District, Catanduanes), pinaalalahanan ang mga opisyal sa pagkakaroon ng sapat na Civil Aeronautics Board (CAB) officers sa complaint desks, at pagsunod ng airline companies sa Air Passengers Bill of Rights.
Inatasan ni Sarmiento ang Manila International Airport Authority (MIAA), Department of Transportation (DOTr), CAB, Metro Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya na magkaroon ng operational at contingency plans sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
“We want a joyous celebration and not be ranting about traffic,” ani Sarmiento. (Bert de Guzman)