Matapos madiskubre ng pamahalaan ang P5.1 bilyong money laundering na isinagawa ng iisang tao pa lang, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa pagbubulag-bulagan.

“I’d like to address myself to the Central Bank guys and the AMLC. I’d like to warn you to avoid a confrontation between us, Central bank people,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa idinaos na 80th anniversary rites ng National Bureau of Investigation (NBI).

“The Secretary of Justice now says that you are hard to deal with. You better go to the Secretary of Justice or I will go to you. I will call for you and you have to answer so many questions to me. You choose. Either we cooperate in this government as a Republic to protect and preserve our people or do not make it hard for us otherwise I will make it hard for you,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasunod ng babala ng Pangulo, naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na makakatulong ito para mapadali ang koordinasyon ng NBI sa AMLC.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang NBI ay nag-iimbestiga tungkol sa mga bank record ng mga pinaghihinalaang protektor at miyembro ng sindikato ng ilegal na droga. (Beth Camia)