Asam ng Pilipinas na muling angkinin ang kampeonato sa Asian Basketball League sa pagsabak ng Alab Pilipinas sa sumisikat na liga sa rehiyon.

Pangangasiwaan ni dating La Salle Green Archer Ronald “Mac” Cuan ang koponan na binubuo nina Val Acuna, Robby Celisz, Jeric Fortuna, Paolo Hubalde, Anthony Gavieres, Igge King, Jens Knuttel, Jovet Mendoza, JR Cawaling at ang Fil-Am na si Lawrence Domingo.

Ang 6-foot-5 forward na si Domingo ay nagtala ng average na 12 puntos at walong rebound sa kanyang senior year para sa Eastern New Mexico University Greyhounds.

“Team Alab Pilipinas aims to be a symbol of hope and inspiration – a true representation of the Filipino’s never-say-die-attitude. This will be a fighting team with a big fighting heart, very true to the Philippine brand of basketball of speed, accuracy from the outside and inside, team chemistry, and brick wall defense,” sabi ni Cuan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang Asian Basketball League (ABL) ay binubuo naman ng Saigon Heat, Westsports Malaysia Dragons, Singapore Slashers, Kaohsiung Truth, Alab Pilipinas at ang Eastern Sports Club ng Hong Kong.

Dumalo sa isinagawang press conference sina Michael Johnson, Singapore Slinger General Manager; Dato Wira Dani Daim, President and Co-Founder ng Westsports Malaysia Dragons; Yakub Husaaini, General Manager ng Dragons; Anthony Garbelotto, head coach ng Saigon Heat; Ronald “Dondon” Monteverde, Virtual Playground president at CEO Charlie Dy; Wesley Hsu na CEO ng Kaohsiung Truth; Carlos Andrade na Assistant General Manager ng Truth at Edward Torres Girbau na head coach ng Eastern Sports Club.

Ang Alab Pilipinas ang ikaapat na koponan mula sa Pilipinas na sasabak sa liga sapul na magsimula ang liga. Ang AirAsia Philippine Patriots, ang nagwagi sa pinakaunang kampeonato noong 2010, at ang San Miguel Beermen, na nag-uwi sa titulo noong 2013, at ang Pilipinas MX3 Kings (na mas kilala bilang Pacquiao Powervit Pilipinas Aguilas).

Sisimulan ng ABL ang 2016-2017 season sa Nobyembre 25 tampok ang salpukan sa pagitan ng defending champion Westports Malaysia Dragons at Singapore Slingers .

Bawat isa sa anim na koponan ay maghaharap ng apat na beses sa tatlong buwan na eliminasyon kung saan ang unang apat na koponan na may pinakamagandang rekord ang papasok sa playoff.

Matapos maiuwi ang ABL title ngayong taon, agad na binago ng Malaysia ang kanilang lineup sa pagkuha sa serbisyo ng Thai-American na si Freddie Goldstein, at Marcus Melvin bilang kanilang world import. Mayroon din itong bago na coach kay Chris Thomas. (Angie Oredo)