UFC 205 Mixed Martial Arts

NEW YORK (AP) — Hindi lang sa salita, bagkus nasa gawa ang katuparan ng pangarap ni Conor McGregor.

Laban sa matikas ding si Eddie Alvarez, naitala ni McGregor ang kasaysayan bilang unang mixed martial arts fighter na nagwagi ng dalawang division title sa UFC nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Madison Square Garden.

Pinasuko ni McGregor ang karibal sa ikalawang round para makopo ang UFC lightweight title.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nadomina niya ang laban simula sa opening bell ng UFC 205 main event na kinagiliwan ng libo-libong tagahanga na sumugod sa makasaysayang sports venue.

Tangan din ni McGregor ang featherweight championship.

Wala pang pahayag ang UFC kung papayagan si McGregor na depensahan ang dalawang korona sa iisang fight card.

Kinumpirma ni UFC President Dana White na tanging si McGregor pa lamang ang MMA fighter na nakagawa ng naturang tagumpay.

“I’ve spent a lot of time slaying everybody in the country,” pahayag ni McGregor. “I’d like to take the chance to apologize to absolutely nobody.”

Isinagawa ang UFC ng live sa New York sa kauna-unahang pagkakataon matapos patawan ng ban ang MMA.

“This is the biggest event in the history of MMA,” pahayag ni UFC color commentator Joe Rogan.

Puno nang kapana-panabik na laban ang UFC card na tinangkilik naman ng New Yorker para makopo ang minimithing US$17 milyon.

“What’s next for me,” patanong na sabi ni McGregor.