NAG-ENJOY si Gabby Concepcion nang gawin Because of You sa GMA-7.

Sa naturang romantic-comedy sa primetime siya nakilala bilang Boss Yummy at nagustuhan din ng netizens ang team-up nila ni Carla Abellana.

Pagkatapos ng Because of You, mas gusto na ni Gabby na gumawa na lamang ng light comedy-drama series. Nabanggit din niya ito nang pumirma siya ng exclusive contract sa Kapuso Network.

First project niya sa kanyang contract ang Tsuperhero na romantic-comedy rin na pinagbibidahan nina Bea Binene at Derrick Monasterio. No problem kay Gabby kung hindi siya ang lead role, dahil gusto niya ang role niya bilang pulis, si Sgt. Cruz na katambal naman ang nagbabalik-serye ring si Alma Moreno. Magpapatawa naman siya sa once a week show na nag-pilot na kahapon.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Pero hindi natanggihan ni Gabby ang pangalawang offer na project sa kanya ng GMA 7, ang Ika-6 Na Utos, kahit alam niyang serious afternoon prime drama series ito.

“Makakatanggi ba ako kung ang role na gagampanan ko ay isa akong pilot?” nakangiting sabi ni Gabby. “Dream come true sa akin ito, I have always wanted to be a pilot, and now kahit TV show lang, malaki ang pasasalamat ko sa GMA na natupad ang dream kong iyon. Ngayon pa lang excited na akong magtrabaho, nagsimula na akong mag-taping sa Ninoy Aquino International Airport, feeling isang piloto na ako.”

First time niyang makakatambal si Sunshine Dizon who will play the role of his wife at si Ryza Cenon, ang magiging mistress niya.

Ano pa ang mahihiling pa ni Gabby, gayong ang magiging director niya this time ay ang award-winning at matagal na rin niyang nakasama noon na si Direk Laurice Guillen?

Makakasama rin sa cast sina Mike Tan at Rich Asuncion.

Ready na si Gabby sa kanyang double work lalo pa at kailngan nilang mag-taping nang advance dahil sa sasapit na Holiday Seasons.

“Nakaplano na rin ang bakasyon namin ng family ko sa Christmas, nagpaalam na ako sa production, uuwi kami ng San Francisco, kasama ang dalawa naming kids at babalik next year, para sa taping. So ngayon, work, work muna sa dalawa kong TV shows. Salamat sa GMA.” (Nora Calderon)