Daan-daang abogado at human rights defenders na nakasuot ng itim ang nagmartsa sa harap ng University of Santo Tomas (UST), kung saan idinaraos ang bar examinations, upang ihayag ang kanilang pagkontra sa desisyon ng Supreme Court (SC) na nagbibigay daan para maihimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa pangunguna ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), inilunsad ng grupo ang “Black to Block” protest, kasabay ng sigaw na “Marcos no hero, no honor”.

Bukod sa pagtaas ng kamao, iwinagayway din ng grupo ang kanilang mga banner na nagsasaad ng mga katagang “Respect and uphold the rule of law”, “Never forget” at “No hero’s burial for the dictator.”

Nanawagan sa bar examinees ang NUPL na gamitin ang kanilang kaalaman para idepensa ang hustisya, sa kabila ng SC ruling.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Justice, you see, depends as much on the people as well as those on who, educated and trained in the law, upholds the law and fights to ensure that it serves the greater good, and not the few powers that be,” ayon sa NUPL.

Binigyang diin ng NUPL na ang pag-aaral ng law, pagkuha ng bar at maging ganap na abogado ay magkakaroon lamang ng kahulugan kapag ito ay para sa hustisya.

Kabilang sa hanay ng mga nagprotesta sina Bayan Muna Representative Carlos Zarate, dating congressman Neri Colmenares, at mga aktibista mula sa Karma, Karapatan at Selda. (Chito A. Chavez)