paolo-ballesteros-copy

ITATAMPOK si Paolo Ballesteros sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong gabi.

From the man of your dreams to the woman of your fantasies, wala nga yatang hindi kayang gayahin ang master of make-up transformation na si Paolo. Kamakailan, rumampa siya bilang Angelina Jolie at Julia Roberts sa Tokyo International Film Festival na humirang sa kanya bilang Best Actor para sa pelikulang Die Beautiful. Makikitsika ang KMJS kay Paolo tungkol dito.

Samantala, isang wedding proposal ang nagpahinto sa traffic sa gitna ng intersection sa Calamba, Laguna. Ang pakulo ni Mikki, kunwari’y masisiraan sila sa gitna ng kalsada at huhulihin ng traffic enforcers. Ang hindi alam ng kanyang kasintahang si Che-Anne, magaganap ang wedding proposal sa kanya ng nobyo. Tunay nga na kayang sa traffic, may forever?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Noong nakaraang linggo, itinampok ng KMJS ang kwento ng 97-anyos na si Lolo Alfredo Salavera — ang lolo na nag-viral sa social media nang humiling sa kanyang kaarawan na makita ang kanyang asawa at anak na mahigit limang dekada nang nawalay sa kanya. May dalawang babae na nagsasabing posibleng sila ang hinahanap na mga anak ni Lolo Alfredo.

Matutupad na nga kaya ang birthday wish ni Lolo?

Ilan lang ito sa mga kuwentong dapat abangan ngayong gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.