STA. ROSA, Nueva Ecija – Isang tama ng bala sa sentido ang tumapos sa buhay ng isang negosyante sa bayang ito makaraang barilin ng hindi nakilalang salarin habang abala sa pag-aayos ng mga paninda sa kanyang poultry store as Purok I, Barangay San Isidro, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Jeffrey Alivia, hepe ng Sta. Rosa Police, ang biktimang si Demetrio Patricio Jr., y Aguilar, 41, may asawa, negosyante at residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Daniel Villanueva, dakong 6:25 ng umaga at abala si Patricio sa kanyang tindahan nang dumating ang riding-in-tandem at binaril siya.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa away sa lupa ang pagpatay, at dawit sa insidente ang apat na kapitbahay ng biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’