Kasalukuyang nakikipagpulong ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensiya kaugnay ng paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City.

Pinangungunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Oscar Albayalde ang mga pagpupulong upang maging plantsado ang lahat.

Inaasahan ng PNP ang pagdagsa ng mga raliyista na tutol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa LNMB, gayundin ng mga tagasuporta ng pamilya Marcos.

Bumuo na rin ng task force ang NCRPO para sa nakatakdang paglilibing sa dating Pangulo at ito ay pamumunuan mismo ni Albayalde.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ayon kay Albayalde, sa kabila ng kanilang paghahanda ay wala pa ring petsa kung kailan ililibing ang dating pangulo.

“The best we can say is it (Marcos burial) will be within the year,” sinabi naman kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella. (Fer Taboy at Genalyn Kabiling)