NGAYONG Sabado, may rambulan sa dance floor na magaganap sa #Like.

Maghaharap sa show nina Tom Rodriguez at Balang ang Chubbeyonce ng Cebu at ang Bagito Boys ng Pampanga. Naging viral ang dalawang grupo dahil lagi silang performance level at may hatid pang libreng comedy sa mga manonood.

Marami ang humanga sa Chubbeyonce nang mapanood ang dance video na kinunan sa eskinita gamit ang improvised na props at costumes. Nakakaaliw pang lalo ang finished product nila.

Noong kasagsagan naman ng Trumpets Challenge craze, isa sa mga nag-viral ang Trumpets Challenge video ng Bagito Boys mula sa Macabebe, Pampanga. Nag-Trumpets Challenge kasi sila habang nasa loob ng hawla pero all smiles pa rin kahit bungal ang isa nilang kasamahan.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ang kanilang paghaharap ay idadaos sa isang boxing ring sa baranggay para bigwasan ang isa’t isa sa pahusayan sa pagsasayaw with a twist. Kailangan kasi nilang humataw nang naka-high heels kasama sina Jopay Paguia at Joshua Zamora.

Sayawan at katatawanan ang hatid ng #Like Tagisan ng Internet Sensations kasama sina Tom at Balang ngayong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7.