Sisimulan ng College of St. Benilde ang back-to-back title bid sa pakikipagtuos sa University of Perpetual Help sa Lunes sa pagbubukas ng 92nd NCAA women’s volleyball competition sa San Juan Arena.

Sa men’s division, uumpisahan naman ng defending titlist Perpetual Help ang kanilang title-retention sa pagtutuos nila ng St. Benilde sa Miyerkules.

Tinalo ng tropa ni coach Michael Carino ang San Sebastian College na pinangungunahan ni Grethcel Soltones noong nakaraang taong finals upang makamit ang unang kampeonato sa liga.

lbabalik sina last season Finals MVP Jeanette Panaga at Ranya Musa upang pamunuan ang Lady Blazers sa pagtatanggol ng kanilang korona.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Para naman sa Perpetual Help, sasakyan nila ang runner-up finish sa nakaraang University Games sa likod ng eventual winner Santo Tomas noong nakaraang buwan sa Dumaguete City.

Ganap na 2:00 ng hapon ang duwelo ng CSB at matapos ang opening rites na tatahakin ng St. Benilde dance group na nagwagi sa world hip-hop dance contest ngayong taon.

Maglalaro pa rin ang power-hitting at reigning back-to-back MVP na si Soltones upang pamunuan ang Lady Stags sa pagsagupa nila sa Arellano Lady Chiefs ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)