Exif_JPEG_420
Exif_JPEG_420

Wala nang nakikitang paraan ang kampo ni boxing president Victorico ‘Ricky’ Vargas kundi ang dumulog sa korte para makakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) upang mapigilan ang halalan sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 25.

Ito ang inihayag mismo ni Vargas, kasama ang abogado nitong si Atty. Jake Corporal at dating PBA Commissioner Chito Salud sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico nitong Miyerkules.

“We have 15-days to file for a TRO after receiving the decision,” sabi ni Corporal. “There is still time to get it as we received the decision November 4 and we have until November 19 to file before the Pasig Regional Trial Court.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Matatandaan na diniskuwalipika ng binuong election committee ng POC si Vargas para kumandidato bilang presidente ng Olympic body sa dailan ng kanyang pagiging ‘inctive’ sa pagdalo sa general assembly meeting.

Ipinaliwanag ni Sandoval na isa sa mga puntong ilalaman sa pagkuha ng grupo ni Vargas ng TRO ay ang kongkretong kapaliwanagan sa salitang “inactive” na nakasaad sa POC Constitution and By-Law Article 7 Section 11 na lubhang napakalawak o “vague.”

“We are going to the court because of unfair application. We had no recourse but to challenge the decision by the proper court na. The issue is about this phrase in the By-Laws that says the president and the chairman to be elected by the voters must be active members of the general assembly. It is not active membership or active participation in their respective national sports association but in the general assembly,” sabi ni Corporal.

“We are relying here on somebody or other people’s memory or to a previous election held in that manner, which the POC election committee could not even explain,” aniya.

Hindi din inaalis ng grupo ni Vargas na tuluyang kausapin ang lahat ng mga national sports association (NSA’s) para madesisyunan ang kanyang apela na makatakbo sa POC presidency.

Nasa radar din ni Vargas na idulog ang isyu sa Court of Arbitration in Sports ng International Olympic Committee (IOC).

“We have here now a sentiment that it has been 12 years now of leadership of Cojuangco, It looks that there is really a strongman in there that everybody is afraid of and that there was already a system that keeps them in their seat,” sabi ni Vargas. (Angie Oredo)