BAUAN, Batangas - Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng drug group na kabilang din sa drug watchlist ng pulisya makaraang manlaban umano sa mga awtoridad sa Bauan, Batangas.

Dead on arrival sa Bauan Doctors General Hospital si Alberto Carandang, alyas Abet, habang naaresto naman ang kasama niyang si Noemie Solo sa buy-bust operation sa Barangay Bolo, Bauan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:10 ng hapon nitong Martes nang makaengkuwentro ng mga pulis si Carandang, na miyembro umano ng Amerphil Drug Group na kumikilos sa Bauan.

Narekober ng pulisya sa suspek ang isang .38 caliber revolver at isang sachet ng hinihinalang shabu. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito