Hindi naitago ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pagkadismaya sa desisyon ng Supreme Court (SC) na ibasura ang mga petisyong humaharang sa paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

“In the case of the desaparecidos, not even a makeshift cross would mark their unknown grave. It’s really ironic that their very tormentor and violator...will be buried in the LNMB if the SC decision will not be reversed,” ani Lagman sa kanyang press conference.

Umaabot sa 878 ang dokumentadong desaparecidos simula 1971, taon bago magdeklara ng Martial Law si Marcos, hanggang 1986, taong pinatalsik naman siya sa pwesto sa pamamagitan ng EDSA people power revolution.

“This decision will never lead to a healing. It will just exacerbate the wounded feelings as well as the gross injustice suffered by the victims of human rights atrocities during martial law,” ani Lagman.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang SC decision ay kinumpirma sa press conference ni Court spokesman Atty. Theodore Te.

Samantala magsasampa ng motion for reconsideration ang mga hindi pabor sa desisyon, sapagkat ito na lang umano ang paraan baka sakaling mabaliktad ito. (Ellson A. Quismorio)