direk-maryo-dingdong-angelica-at-paulo-copy

NAUNGKAT sa presscon ng The Unmarried Wife ang pagiging contestant noon ni Paulo Avelino sa Starstruck ng GMA-7. That time, si Dingdong Dantes ang host at ka-batch ni Paulo sina Aljur Abrenica, Jewel Mische at Martin Escudero, at iba pa. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, magkasama sina Paulo at Dingdong ngayon bilang leading men ni Angelica Panganiban sa pelikulang The Unmarried Wife ng Star Cinema.

First time magsama nina Paulo at Dingdong sa pelikula at ayon sa una, masaya siyang makatrabaho ang huli na kanyang inirerespeto.

“I’ve always been looking up to Kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin. Palaging nando’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong,” sey ni Paulo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

First time makatambal ni Paulo si Angelica at nag-enjoy siyang makatrabaho ang aktres.

“Nag-e-enjoy akong kasama si Angelica kahit off screen. Kasi, ‘yun nga, parang minsan, tahimik lang siya. Minsan, parang ako ‘yung napi-pressure na mag-isip ng topic para mapag-usapan namin, eh, masaya lagi. Lagi siyang may kinakanta sa set na nakakatawa. Ang dami niyang bagong baon,” kuwento ni Paulo tungkol sa kanyang bagong leading lady.

Hindi lang si Direk Maryo J. Delos Reyes ang bilib na bilib sa akting ni Angelica, pati si Paulo kaya enjoy siya sa kanilang mga eksena.

“It’s so nice to work with someone na kaharap mo pa lang, tinitingnan mo pa lang, nadadala ka na, napapaniwala ka na.

At siyempre, gandang-ganda ka na rin. Napapaniwala ka agad sa gustong sabihin ng karakter niya sa eksena. So, I’m very blessed actually to work with two very good actors.”

Bagamat ayaw magsalita ni Paulo kung may karelasyon siya, aminado siyang he is dating someone. May nagtanong tuloy kung may balak pa ba siyang magpakasal someday?

“Hoping to get married someday, pero tingnan natin. Kumbaga, kino-consider ko pa naman ‘yung sarili kong bata at marami pa akong gustong gawin at gustong magawa bago ako mag-settle down,” sey ng aktor. (ADOR SALUTA)