FRANKFURT (AFP) – Ilan libong Kurds ang nagmartsa sa lungsod ng Cologne sa kanluran na Germany nitong Sabado bilang suporta sa pro-Kurdish politicians na ikinulong sa Turkey noong Biyernes.
Tinatayang 6,500 hanggang 15,000 Kurds ang nagbitbit ng mga bandila at banner bilang suporta sa People’s Democratic Party (HDP).
Sa France, mahigit 2,000 Kurds ang nagprotesta sa Paris bitbit ang placards na may slogans gaya ng ‘’Turkey bombs, Europe stays silent’’.
Noong Biyernes, idinetine ang dalawang lider ng HDP na sina Selahattin Demirtas at Figen Yuksekdag, at ilan pang mambabatas ng partido sa lungsod ng Diyarbakir timog silangan ng Turkey.
Kapwa nagpahayag ng pagkaalarma ang United States at European Union sa mga pag-aresto, na bahagi ng crackdown simula ng tangkang kudeta noong Hulyo.