Matapos manaig laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas kahapon, tinawag ng Palasyo na tunay na ‘national treasure’ si Senator Manny Pacquiao.

“Nagpapasalamat ang Palasyo sa hindi matatawarang suportang ipinagkaloob ng ating mga kababayan sa oras ng tagumpay at maging sa panahon ng pagkabigo ng ating mga boksingero,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

“Once again, Manny’s triumph united and brought joy to our people and our nation. The discipline, the determination, and the hard work of our People’s Champ are truly what make him a National Treasure in Global Sports,” dagdag pa nito.

Tinalo ni Pacquiao si Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision, sa score na 114-113 at 118-109, dahilan upang mabawi nito ang WBO welterweight belt.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ni Pacquiao sa bahay nito sa Davao City.

Binati rin ng Palasyo si Nonito Donaire, sa kabila ng pagkabigo ng huli laban kay Jessie Magdaleno.

“Nonito Donaire’s quest to be the ‘king in the ring’ unfortunately did not materialize,” ayon kay Andanar. “This, however, would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag. He remains ‘The Filipino Flash’ with his quick hand speed and formidable punching power.”

Matapos ang umaatikabong laban, umaasa si Andanar ng rematch sa pagitan nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

“Mukhang maliwanag na posibleng makalaban ni Manny Pacquiao, magkaroon ng part 2 ang bakbakang Mayweather at Manny Pacquiao,” ayon kay Andanar sa panayam ng radyo. (Genalyn D. Kabiling)