Mga Laro Ngayon (EAC Center)

6:15 n.g. -- Wang’s vs Air Force

7:45 n.g. -- EAC vs Jamfy

Umaasa ang apat na koponan na patatagin ang tsansa sa susunod na round sa pagpapatuloy ngayon ng 2016 MBL Open basketball tournament sa EAC Sports Center sa Manila.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tatangkain ng Emilio Aguinaldo College na masungkit ang ikatlong dikit na panalo sa pakikipagtuos sa Jamfy-Pioneers-Secret Spices sa ganap na 7:45 ng gabi.

Maghaharap sa 6:15 ng gabi ang Philippine Air Force at Wang’s Ballclub.

Ang Generals ay nagwagi sa nakalipas na dalawang laro laban sa Air Force, 74-70, at New San Jose Builders, 93-82, sa kumpetisyon sa itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Nanguna sa koponan sina Juju Bautista, Rustan Bugarin, Jethro Mendoza, Jeanu Gano at Jerome Garcia na muling inasahang kakasa para sa EAC.

Ang Jamfy ay muli namang sasandal kina James Castro, Mel Mabigat at ex-Red Bull mainstay Warren Ybanez.