santy-barnachea-ronda-pilipinas-6-copy

Pamumunuan ng isa sa kinikilalang mahusay na rider sa bansa na si Santy Barnachea ang grupo ng mga siklistang maghahangad na makalahok sa LBC Ronda Pilipinas 2017 edition na isasagawa ang una sa dalawa nitong qualifying races sa Linggo sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Zambales City.

Ipapadala ng Army sina Merculio Ramos, Alfie Catalan, Cris Joven, Mark Julius Bordeos at Alvin Benosa habang ang bagong rekruta sa Navy na si Jay Lampawog ay magtatangkang makakuwalipika upang makasama sa kanyang mga ekspiriyensadong kasaman na dinomina ang nakaraang edsiyon ng LBC-bankrolled Ronda edition.

Si Barnachea, na nagkampeon sa una at ikalimang edisyon ng anim na taong karera, ay parte ng 85-katao na nagpalista sa isang stage, 101-kilometrong sikaran na magsisimula sa Lighthouse Hotel at matatapos sa Forest View Park sa loob ng SBMA.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ang mangungunang 30 siklista ay magkukuwalipika sa main race, na nakataya ang nakakalulang P1 milyon sa kampeon na inihanda ng presentor LBC at major sponsors Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen na sanctions ng PhilCycling sa ilalim ng presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino, sa Pebrero 4 hanggang Marso 4 sa susunod na taon.

Paglalabanan din ang 30 spots sa pagsasagawa ng huling qualifier na nakatakda sa Disyembre 4 sa Bacolod City kung saan makakasama nila ang 72 iba pang riders na awtomatikong nakasali matapos na lumaban sa nakaraang edisyon.

Ilan dito ang Mindanao wonder boy na si Ranlen Maglantay, George Oconer, Ronnel Hualda, Julius Mark Bonzo, Rustom Lim, at ang powerhouse Navy mainstays Lloyd Lucien Reynante, Rudy Roque, Ronald Oranza, Joel Calderon at Jan Paul Morales.

“We’re expecting a bigger and more exciting race this year and what a way to start it with this star-studded qualifying race in Subic,” sabi ni LBC Ronda race director Jingo Hervas.

Sinabi naman ni Ronda sports development head Moe Chulani na itinaas nila ang premyo upang mas lalo pang makadiskubre ng mga papaangat na batang riders mula sa probinsiya tulad ni Ranlen Maglantay, na dala ang mumurahin at second-hand na bisikleta, lumang pares ng rubber shoes at ang matinding ambisyon na makasali sa malaking karera.

“We believe that somewhere out there, there are gems in the rough waiting to be discovered like Ranlen Maglantay,” sabi ni Chulani.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” sabi nito. (Angie Oredo)