janine-copy

KASAMA na si Janine Gutierrez sa cast ng Encantadia bilang si Agua, ang kambal diwa ni Alena (Gabbi Garcia).

Nagulat at natuwa ang Encantadiks nang biglang mapanood si Janine sa episode nitong Huwebes na agad nasundan ng positive comments sa aktres.

Bagay daw mapasama sa fantaserye si Janine dahil maganda at bagay sa kanya ang role ng isang diwata. Kahit guest role at pasulput-sulpot lang ang gagampanan, malaking bagay pa rin ito kay Janine at sa kanyang career.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Naalala namin, naikuwento ni Janine na nag-audition siya sa Encantadia, pero hindi siya pinalad na mapabilang sa mga Sang’gre at makasama sa original cast. Hindi niya akalain na mapapabilang pa rin siya sa fantaserye bilang kambal diwa ni Alena.

Anyway, busy si Janine sa sunud-sunod na projects dahil bukod sa Encantadia, magbibida rin siya sa Relationship Goals episode ng Usapang Real Love kasama si Aljur Abrenica. Kasama rin siya sa cast ng Pastor movie sa direction ni Adolf Alix, Jr. at pinagbibidahan ni Phillip Salvador at kasama rin si Gina Alajar. Entry sa 2016 Metro Manila Film Festival ang nasabing pelikula. (Nitz Miralles)