Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang babae na umano’y live-in partner ng isang kilabot na drug pusher sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Jennifer Espiritu, 34, ng No. 68-F. Balagtas Street, Barangay 143, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, sanhi ng tatlong tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, dakong 7:00 ng gabi, nagtungo at nakipaglamay ang biktima sa kanyang kapitbahay. Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang dalawang suspek na sakay sa motorsiklo at pinagbabaril si Espiritu.

Nabatid na si Espiritu ay live-in partner ni Jefferson Bukirin na isa umanong kilabot na drug pusher sa kanilang lugar.

Ayon sa pulisya, posibleng si Jefferson ang target ng mga suspek ngunit wala ito sa lamay noong mga oras na iyon at posibleng nadamay lamang ang kanyang live-in partner. (Orly L. Barcala)

Eleksyon

Guanzon, tatakbong senador sa 2028!