MOSCOW (Reuters ) — Pinalayas sa kanyang opisina sa Moscow ang Amnesty International, ang campaign group na inakusahan ang Kremlin ng paglabag sa mga karapatang pantao sa Syria, noong Miyerkules.

Sinabi ng Moscow city government, may-ari ng inuupahang opisina ng Amnesty sa sentro ng Russian capital, na pumaso sa pagbayad ng renta ang grupo. Ngunit iginiit ng Amnesty na may hawak itong mga dokumento na magpapatunay na nagbabayad sila sa tamang oras.

Ayon sa mga staff sa Amnesty Moscow, nang dumating sila sa trabaho ay iba na ang kandado ng opisina, nakakabit sa labas ng pinto ang mga official seal, at putol na ang kuryente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina