Tuluyang nagpantay ang mga paa ng isang construction worker na umano’y tulak din ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.

Sa report kay Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, dead on the spot si Arnold Pineda, 35, ng No. 19 G. De Jesus Street, Barangay 138, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Almazan, dakong 11:00 ng gabi ikinasa ng mga pulis ang buy-bust operation sa lugar ng suspek.

Natunugan umano ng suspek na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ito ng baril at nagpaputok ngunit wala siyang tinamaan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito na nagdesisyon ang mga pulis na barilin si Pineda na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakuha sa suspek ang isang cal. 38 at dalawang plastic sachet na may lamang shabu. (Orly L. Barcala)