HANOI (Reuters) – Iniutos ng prime minister na imbestigahan ang sunog sa isang karaoke lounge sa kabisera ng Vietnam na ikinamatay ng 13 katao noong Martes.
Nagsimula ang sunog dakong tanghalian sa isang residential area sa labas ng Hanoi at mabilis na kumalat ang apoy na nilamon ang tatlong magkakatabing bahay. Inabot ng dalawang oras bago naapula ang sunog.
Inatasan ni Prime Minister Nguyen Xuan Phuc kahapon ang Hanoi police na kaagad imbestigahan ang insidente at “find the cause as well as to deal strictly with any violations.”
Hiniling din niya sa Hanoi city government na isara ang mga karaoke parlor at restaurants na hindi sumusunod sa fire preventive measures.