Inatasan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Police District (MPD) na umpisahan na ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) kung saan gaganapin ang nalalapit na 2016 bar examinations.

Ayon kay Estrada, hindi na dapat maulit ang anumang insidente tulad ng paghahagis ng granada noong 2010 bar exams sa De La Salle University (DLSU) sa Taft Avenue na ikinasugat ng 47 katao.

“Gagamitin natin ang lahat ng ating law enforcement at protective units upang masiguro ang kaligtasan ng libu-libong kataong kukuha ng bar exams. Hindi na dapat maulit ang nangyari noong 2010,” ani Estrada.

Nabatid na gaganapin ang bar exams sa UST, sa Espana Boulevard sa Sampaloc, Manila, sa Nobyembre 6, 13, 20, at 27.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inatasan ni Estrada si MPD Director Police Senior Supt. Joel Coronel na magtalaga ng sapat na bilang ng pulis sa paligid ng UST upang magbantay at tiyaking maayos at payapa ang apat na araw na bar exams. (Mary Ann Santiago)