sunshine-at-macky-copy

NAKA-PRIVATE setting na ang Instagram account ni Macky Mathay, ang boyfriend ni Sunshine Cruz, kaya hindi mapasok ng netizens na gusto lang namang mam-bash at mang-intriga sa relasyon ng dalawa.

Suwerte ang mga naka-follow kay Macky bago pa man niya nai-private setting ang IG account niya dahil patuloy na nakikita at nababasa ang posts niya.

Pero nababasa pa rin naman ang sweet messages ni Macky kay Sunshine sa IG account naman ng aktres. Kinilig ang shippers ng dalawa sa nabasang message ni Macky sa isang picture ni Sunshine.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Want to say that you are beautiful, gorgeous and pretty like everyone else. But even if you consider all the adjectives, I personally think none of them best describe how truly wonderful you are as a woman.”

Sa isa pang post ni Macky, sinabi niyang hinding-hindi niya iiwan si Sunshine. Tanong tuloy ng fans ng aktres, ibig daw bang sabihin nito, sa kasalan mauuwi ang kanilang controversial love story? Puwede raw ba silang magpakasal?

Nabanggit na ni Cesar Montano na masaya ito para kay Sunshine at sa bago nitong pag-ibig. Tanong ng fans ni Sunshine, kailan naman kaya ilalabas o aaminin ni Cesar ang relasyon niya kay Sandra Seifert na isang model bago naging beauty queen? (NITZ MIRALLES)