baseball-copy

CHICAGO (AP) — Nakapaghintay ng 108 taon ang Cubs para muling matikman ang World Series. Ngayong, nasa bingit ng alanganin ang kanilang kampanya, hindi basta-basta bibigay ang Chicago Cubs.

Naisalba ni Aroldis Champan, ipinasok ni team manager Joe Maddon sa seventh inning, ang kampanya ng Cubs sa matikas na eight-out save para maungusan ang Cleveland Indians, 3-2, nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Game Five ng World Series.

Naitala ng Cubs ang kauna-unahang series win sa Wrigley mula nang magwagi sa Game 6 noong 1945. Nailapit nila ang serye sa 3-2.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Tatangkain nilang maipuwersa ang ‘sudden death’ sa pagpalo ng Game 6 sa Cleveland.

Target ng Chicago na maging kauna-unahang koponan mula noong 1985 Kansas City Royals na nagwagi ng World Series mula sa 1-3 paghahabol at unang prangkisa mula noong 1979 Pittsburgh Pirates na nagwagi sa Game Six at Seven kung sakali sa road game.

Tulad ng Cubs, naghahanap din ng kasaysayan ang Indians para sa kauna-unahang titulo mula noong 1948 at ikatlo sa kabuuan. Huling nagwagi ng titulo ang Indians sa home game noong 1920.

Kahanga-hanga ang laro ni Chapman na nag-pitch sa ikapitong inning sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 2012.

Naihagis niya ang kabuuang 42 pitch, kabilang ang 15 sa bilis na 100 mph.

Nagawa niyang ma-struck out si Jose Ramirez, nakagawa ng home run sa kaagahan ng laro, sa pitch na may bilis na 101 mph.