Tatlo pang koponan na kinabibilangan ng Alaska, Talk N Text at Globalport ang hindi pa nakakapili ng kanilang manlalaro na kukunin mula sa Gilas Cadet pool.

Ito ay dahil napagkasunduan ng mga miyembro ng PBA Board na idaan na lamang sa selection process ang pagbabahagi ng mga miyembro ng Gilas cadet para sa naunang ipinanukalang special draft.

Nauna nang pumili ang ibang koponan ng kanilang napipisil na Gilas cadet at sa 12 manlalaro, ang natitira na lamang ay sina Carl Bryan Cruz, Von Pessumal at Alfonso Gotladera.

Lahat ng mga magiging “choice” o mapipili ng mga teams ay pormal na ihahayag ngayong araw na ito bago isagawa ang regular draft.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Unang pumili ang Blackwater, Barangay Ginebra at Phoenix na pinili sina Mac Belo, Kevin Ferrer at Matthew Wright, ayon sa pagkakasunod. (Marivic Awitan)