KARACHI (PNA/PTI) – Patay ang limang katao kabilang ang isang babae at anim pa ang nasugatan nang magpaulan ng bala ang apat na hindi nakilalang salarin noong Linggo sa isang relihiyosong pagtitipon ng Shia sa Pakistan.

Nangyari ang insidente sa bahay ng isang Shia Muslim doctor sa Nazimabad, Karachi kung saan nagtipon ang mga tao para sa isang relihiyosong pagpupulong.

“Four men wearing helmets and riding on motorcycles came to the house where the religious gathering was taking place in the month of Muharram and they opened indiscriminate firing on the people standing at the gate,” sabi ng isang senior police official.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa