derrick-monasterio-1-copy-copy

GAWA sa latex ang costume ni Derrick Monasterio sa Tsuperhero, kaya mainit at mabusisi ang pagsusuot na inaabot ng 20 to 30 minutes bago maisaayos. Mabuti na lang at hindi buong taping niya suot ang costume, kapag nagta-transform lang siya into a superhero.

Kaya Tsuperhero ang title ng sinasabing newest Pinoy superhero comedy adventure ng GMA-7 dahil jeepney driver ang karakter ni Derrick. Siya si Nonoy kapag hindi siya nakikipaglaban sa mga masasamang tao.

Created by Michael V for Derrick ang Tsuperhero, kaya tumutulong si Michael V sa pagpo-promote na may video pa.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Think-tank ng Bubble Gang na sina Cesar Cosme at Chito Francisco ang ilan sa writers ng series, kaya malakas na puwersa ang nasa likod ni Derrick at buong cast ng show pati kay Direk LA Madridejos.

Ano ang feeling ni Derrick na siya ang napili ni Michael V na magbida sa bago nitong creation?

“Thankful ako sa kanya at sana kagatin para rin sa kanya,” sagot ni Derrick. “Nakakahiya kung pinagkatiwalaan niya ako ng idea at concept niya ‘tapos hindi magki-klik. Pero kampante naman ako na magiging successful ito dahil alam naman natin na lahat ng ginagawa ni Michael V ay sumisikat. Haligi na kasi siya ng comedy,” sagot ni Derrick.

Sina Ryan Reynolds sa Deadpool at Will Smith sa Hancock ang peg ni Derrick, mga pasaway na superhero at hindi laging mabait. And with Bea Binene as his leading lady at kasama pa sa cast sina Gabby Concepcion at Alma Moreno, naniniwala si Derrick na magugustuhan ng viewers angTsuperhero.

Hindi pa sinasabi ng taga-production ng Tsuperhero ang eksaktong petsa ng airing ng show, basta sa November ito eere.