thea-tolentino-2-copy-copy

KONTRABIDA uli si Thea Tolentino sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hahamakin Ang Lahat at sa simula, si Joyce Ching lang ang kanyang aapihin at pahihirapan. Later on, pati na si Kristoffer Martin at gaya sa mga naunang teleserye na bad girl siya, handa na si Thea sa bashing na gagawin sa kanya.

“Dati naapektuhan pa ako ‘pag bina-bash ako at ‘pag tinatawag akong bad girl, mang-aagaw, bruha. Hindi na ngayon, nasanay na ako. Saka ang mga galit sa akin ngayon, hanggang TV na lang, sa personal, mabait sila sa akin. Sinabihan din ako ng co-stars ko na mas dapat akong magpasalamat dahil ang ibig sabihin noon, nagagampanan ko ng maayos ang role na ipinagkakatiwala sa akin,” sabi ni Thea.

Sa Monday (October 31), pagkatapos ng Oh, My Mama, ang pilot ng Hahamakin Ang Lahat na idinirihe ni Don Michael Perez.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala, sayang at hindi namin naitanong kay Thea ang tungkol sa kanila ni Mikoy Morales. Titingnan namin kung magde-deny pa rin siya sa kanilang relasyon, gayong inamin ni Mikoy sa kaibigang reporter na nag-break sila ni Thea, pero nagkabalikan din.

Dalaga’t binata sina Thea at Mikoy, nasa tamang edad at hindi naman sila nag-a-aspire maging superstar para isiping ayaw ng fans na may dwoya sila, kaya hindi namin maintindihan kung bakit hindi nila maamin ang kanilang relasyon.

Hindi ba sila nahihirapan na tago nang tago at deny nang deny? (NITZ MIRALLES)