SANTA IGNACIA, Tarlac – Walong katao ang iniulat na isinugod sa iba’t ibang ospital matapos magkarambola ang dalawang motorsiklo at isang tricycle sa highway ng Purok 2, Barangay Baldios sa bayang ito, Huwebes ng madaling araw.

Nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Gideon Ramos, Jr., 81, driver ng tricycle (PS-9787) na walang lisensiya; Myrna Ramos, 48; Mary Ann Antonio, 15, ng Bgy. Sta. Ines Centro, Santa Ignacia; Jeric Milla, 20, driver ng Motoposh motorcycle na for registration ang plaka; Robert Natividad, 22, driver naman ng Motoposh motorcycle (NE-45915), ng Bgy. Calayaan, Gerona.

Nasugatan din sina Leorence Dominsil, 17, ng Bgy. Calayaan; Kelvin Dominsil, 21; at Alfredo Ramirez, kapwa taga-Bgy. Calayaan, Buenlag, Gerona. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog