luis-copy

IPINOST ni Luis Manzano sa Instagram ang resulta ng drug tests niya. Puro negative ang resulta sa tests niya sa amphetamine, cocaine/metabolites, opiates, methamphetamines, phencyclidine at THC metabolite.

Ang sabi ni Luis sa naturang post, “Some people weren’t happy with the urine test saying the most accurate is through hair drug panel test. Done.”

Kung hindi kami nagkakamali, si Luis ang unang celebrity na nagpa-drug test gamit ang buhok, na ang sabi ay pinaka-accurate kaysa pamamagitan ng urine test. Marami ang humanga sa ginawa ni Luis at sana raw ay gayahin siya ng ibang mga artista na buhok ang ginagamit sa pagpapa-drug test. (NITZ MIRALLES)

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens