Hindi napakikinabangan ng persons with disabilities (PWDs) ang tax discount ng mga ito alinsunod sa Magna Carta for Persons with Disability o RA 10754 dahil sa kawalan ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas.

Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, iniisip na lang niya na walang sabwatan sa pagkakabimbin ng IRR sa kabila ng Marso ngayong taon pa ito nilagdaan ni dating Pangulong Aquino bilang ganap na batas, o pitong buwan na ang nakalilipas.

Hiniling din ni Recto sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DoH), Department of Finance (DoF), at National Council on Disability Affairs (NCDA) na gawin na ang IRR.

Dahil sa kawalan ng IRR, aniya, wala ring nakukuhang diskwento ang mga may kapansanan sa pagbili ng kanilang gamot at iba pang mga pangangailangan gayung “there is an existing template, the one granted to senior citizens, insofar as discounts on purchases are made,” ani Recto. (Leonel M. Abasola)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!