mark-anthony-fernandez-copy

MARAMI ang nalungkot sa sinapit ni Mark Anthony Fernandez, at isa na sa mga ito ang aktor/congressman na si Alfred Vargas.

Pagbabalik-tanaw ni Alfred, “Nagkasama kami sa ilang soaps at naging magkaibigan. Bukod sa talented ay mabait na tao si Mark at propesyonal. He deserves another chance. Personally, sinusuportahan ko ang kampanya laban sa drugs at handa akong tumulong para sa magpapa-rehab.”

Bilang aktor ay balik-pelikula ang kongresista in indie project Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa. Role ng isang magsasaka ang bibigyan-buhay ni Alfred at kinakilangan niyang magpapayat to fit the part.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Inalok din ang aktor ni Direk Mark Reyes na mapasama sa cast ng bagong Encantadia. Kasama sa cast ng original na Encantadia si Alfredn kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang alok kahit hindi pa niya alam kung ano ang karakter na gagampanan niya. (REMY UMEREZ)